Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Natakasan ng preso, sarhento kinalaboso

0 261

Kalaboso ang isang miyembro ng Manila Poloce District-Police Station 11 matapos makatakas ang isang inmate na in-eskortan nito sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 223 ng Revised Penal Code (Conniving with or Consenting to Evasion) ng kanyang superior na si PLt Conrado Punzalan Jr. si P/Staff Sgt. Warren Castillo, 44 .

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa rekord ng MPD-General Assignment and Investigation Section, Setyembre 24, alas-4:32 ng madaling araw nang kunin ni Castillo sa jail facility ng MPD-PS11, ang person under police custody (PUPC) na si Dexter Barrera y Gonzales, na nakulong noong Hunyo 13, 2020 sa kasong Abduction in relation to RA 7610 (Child Abuse).

Sa oras na iyon ay duty si P/Cpl David Nagnot bilang night shift jailer, habang si Castillo naman ay panghapon pa ang duty. Ikinatwiran ni Castillo na kailangan niyang dalhin at eskortan si Barrera papunta sa NCRPO at ibabalik niya din kinahapunan. Ngunit nang tawagan si Castillo ay sinabi nitong nakatakas ang inmate.

Dinakip si Castillo sa akusasyong nakipagsabwatan para patakasin si Barrera dahil wala namang opisyal na order para dalhin ang huli sa Camp Bagong Diwa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.