Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Natakot matsugi, terorista bumigay

0 102

SUMUKO ang isang miyembro ng Daulah Islamiyah sa Lanao del Sur dahil sa pangamba sa kanyang buhay, kasunod ng pinaigting ng operasyon ng mga sundalo laban sa mga rebelde.

Pinangungunahan ng Joint Task Force ZamPeLan ang pagsuyod ng militar laban sa mga rebelde sa nasabing lugar kaya nagpasya ang miyembro ng Daulah Islamiyah-Maute Group na sumuko.

Sinabi ni Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr., Commander ng Western Mindanao Command, na ang pagsuko ng DI-MG member na kinilala lamang na Alyas Dimakuta, 40, ng Barangay Mamaanum, Piagapo, Lanao del Sur, ay sa tulong na rin ng 51st Infantry Battalion.

Kwento ng sumukong rebelde, ni-recruit siya ng isang “Arafat” noong 2019 kung saan sinamantala ang warrant of arrest na nakapatong sa kanya sa akusasyon ng kidnapping.

Agad namang ipapasok sa livelihood program ng gubyerno ang sumukong rebelde. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.