Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Natakot sa coronavirus, pasyente nag-suicide sa ospital

0 289

Sa takot matapos magpositibo sa coronavirus, isang bank employee ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ika-5 palapag ng ospital sa Mandaluyong City.

Sa nakalap na report sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), ang nasawi ay itinatago sa pangalang Jessie, 37-anyos, empleyado ng isang bangko.

Ayon sa report, nagulat na lamang ang security guard ng Mandaluyong City Medical Center na si Domingo Mesias y Dagaño, 40-anyos, nang lumagapak sa kanyang harapan ang biktima na tumalon mula sa ikalimang palapag bandang alas-4:58 Linggo ng madaling-araw.

Nabatid na na-admit ang biktima noong July 20, 2020 matapos mahirapang huminga dulot ng Bronchial Asthma in Acute Exacerbation (BAIAE) kung saan lumitaw din na nagpositibo ito sa COVID-19 matapos lumabas ang rapid result test nito na hinihinalang dahilan ng kanyang pagpapakamatay. (Vick Aquino/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.