Abante Tonite Interactive

Natakot sa demanda Sofia humingi ng tawad

0 622

Ginisa ang Kapamilya actress na si Sofia Andres ng isang netizen matapos pagbintangan ito na ninakaw umano ang kaniyang Iphone. Nangyari ito matapos mag-open ang Instagram ng isang netizen na si Pearl Morado gamit ang Facebook account mismo ng aktres.

Samantala, nag-react si Pearl matapos ma-mention ng aktres na may kinalaman sa pagkawala ng cellphone niya.

Aniya sa Twitter, “Hi msg sofia! Be sure po muna sa accusation nyo sakin sana think before u post pp. it’s a public shame on me, my baby and my whole family.”

Mariin naman niyang itinanggi na siya ang kumuha ng nasabing cellphone.
Hamon pa niya sa aktres na kahit ipaim­bestiga niya pa ito. Sa oras umano na napatunayan na wala siyang kinalaman ay siya naman ang magsasampa ng kaso.

Hiling ng netizen, “@iamsofiaandres u owe me a public apology. Its so humiliating.”

Samantala, humingi naman ng tawad ang aktres sa naakusahan niya at ipinakita sa Twitter ang pruweba na ang Ins­tagram account ni Pearl ang lumalabas gamit ang Facebook ng aktres.

Ani Sofia, “I just want to say I’m sorry to ms @MoradoPearl for the misunderstanding. It’s just weirding me out that I could actually open your Instagram account using my own Facebook. I don’t want to make this a big deal. I hope this vid will make you undertstand where am I coming from.” ­(Ronaline Avecilla)