Abante Tonite Interactive

Natakot tumalon sa condo: Grade 11 nagbaril sa sentido

788

Masusi ngayong iniimbestigahan ng pulisya ang dahilan nang pagpapatiwakal ng isang grade 11 student na nagbaril sa sentido nitong Miyerkoles nang umaga sa Quezon City.

Kinilala ni PCapt. Juan B. Mortel ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang biktimang si Wylls Ian Vallo, 17-anyos, residente ng 38th Flr. Unit 3809, Grass Residence Tower 4, Barangay Sto. Cristo, Bago Bantay.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PSSgt. Rhic Roldan L. Pittong, alas-sais nitong Miyerkoles nang madiskubre ang duguang katawan ng biktima sa yunit ng kanyang amang si Jose William Vallo.

Nakasaad sa suicide note ng biktima na ‘tumalon ako dahil gusto ko nang matapos ang lahat’ subalit tila natakot umano ang teenager at nagbaril na lamang sa sarili.

Sa eksaminasyon, nagtamo ng bala sa kaliwang sentido si Wylls.
Narekober sa crime scene ang ginamit na caliber .9mm Glock 17 pistol ng biktima. (Dolly Cabreza)