Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Natalie gold sa Georgia

0 180

IPINAGPATULOY ni 30th Southeast Asian Games gold medallist at record holder Natalie Uy ang tsansang makapagkuwalipika sa susunod na taong Tokyo Olympics matapos na magwagi ng gintong medalya sa 2020 American Track League nitong Sabado sa Atlanta, Georgia.

Nagawa ng 26-anyos na si Uy na malampasan sa unang attempt pa lamang nito sa 4.11m upang angkinin ang ginto sa 19-29 years-old age-group women’s category.

Tinalo ni Uy sa countback sina Marissa Kalsey at Megan Zimlich na nagawa ding maabot ang 4.11m bagaman sa ikalawa at ikatlong pagtatangka nalampasan ang sukat.

Si Kalsey ay may personal best na 4.30m at si Zimlich ay 4.40m, ayon sa datos ng PinoyAthletics.com.

Matatandaang huling nagawa ng Fil-Am na si Uy na burahin ang itinala nitong Philippine record at pantayan ang SEA Games record ni Chayanisa Choenchundee ng Thailand na naitala noong 2018 sa natalong 4.30 metro.

Ang personal best ni Uy ay tumabon sa kanyang dating 4.25m record na itinala noong 2019 SEA Games sa New Clark City bagaman hinihintay pa rin ng Philippine Athletic Track and Field Association (PATAFA) ang dokumento at technical report mula sa mga organizer upang kilalanin bilang bagong record. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.