Abante Tonite Interactive

Natasha Ledesma certified virgin nu’ng pasukin ang pagpapaseksi

By
7,719

Kilalang Seiko star si Natasha Ledesma na inilunsad nu’ng 1995. Nakatira siya ngayon sa Tandang Sora at may dalawang anak. Single mom siya.

Buy and sell ng cars ang negosyo niya.

Ano ang hindi niya makalimutan na karanasan sa showbiz lalo na nu’ng super active siya?

“‘Yung mga puyat na after shooting or taping maglalagare pa sa mga out of town shows. Minsan North to South. ‘Yun ang sinasabi nilang ihi lang ang pahinga hehe,” pakli niya.

“Pumasok ako sa showbiz dahil gusto kong tulungan ang fami­ly ko. Sa reclamation area lang kami nakatira noon. 

Tumira ako sa Pasay for 2 years , MOA na siya ngayon, Tumira kami dun nu’ng mapalayas kami sa Pasig dahil di natapos ng mama ko ‘yung bahay at lupa na hinuhulugan niya nu’ng nasa Japan pa siya. Ang papa ko na nakalakihan ay mangingisda,” kuwento pa ni Natasha.

“I lost my mother last year, 51 years old. Meron siyang breast cancer. Hindi ko rin nakilala ang German father ko since birth,” dagdag pa niya.

Ano ang pakiramdam na hanggang ngayon ay di niya nakilala ang tunay na ama?

“Masakit. Pero minahal ko na rin po ‘yung nagpalaki sa akin at iti­nuring akong tunay na anak. Kahit makita ko pa siya di ko po ipagpapalit ‘yung nagpalaki sa akin,” sambit ni Nat.

May umampon ba sa kanya?

“Wala Tito. ‘Yung napangasawa ng mama ko ‘yun ang nagpalaki sa akin at lola ko. Anim kaming magkakapatid pero mga half brother at sister ko po,” tugon niya.

Sino ang nag-influence sa kanya sa showbiz?

‘Yung friend ko may kakilala na taga- howbiz at pinakilala niya ‘ko kay Tito Allen Villalon na naging manager ko. Pero ang trend noon ay sexy so kahit di pa ako nagkaka-bf at certified virgin ay napasabak ako sa sexy roles sa Seiko Films.

“My first movie is with Priscilla Almeda. Introducing ako dun (‘Sabik Sa Halik’). Then ‘Patikim ng Pinya’ with Rosana Roces. Gumawa rin ako sa Viva for 2 years. Pero mas madami po sa Seiko,” lahad pa niya.

Ilan sa mga pelikulang nagawa ni Natasha mula 1995 to 2017 ay ‘Si Tokhang at ang Tropang Buang’, ‘Durugin ang Droga’, ‘Tatlong Beses Isang Araw’, ‘Jumbo Jericho’, ‘Mga batang Bangketa’, ‘S.E.L.D.A.’, ‘Saka Na Natin Itanong kung Kasalanan’, ‘Bubot, kulang sa Panahon’, ‘Exploitation’, ‘Kaliwat Ka­nan, Sakit ng Katawan’, ‘Kiliti’, ‘Patikim ng Pinya’, ‘Sabik sa Halik’.

Hanggang ngayon ay nakakapag-show pa rin si Natasha at paminsan-minsan ay guest sa tv.

“Gusto ko pa ring maging active sa pag arte. Sana loobin ng Diyos para maitaguyod ko ang aking mga anak as a single mom,” deklara pa niya.

Malaki ang naitulong sa kanyang showbiz dahil nagkaroon siya ng maraming koneksyon at kaibigan
Ano ang nakikita niya sa sarili niya after 10 years?

“Nakikita ko sarili ko bilang isang mother na naitaguyod ang mga anak kahit na single mom. Dream ko na pag- artistahin ang mga kids ko,” pagwawakas niya.(Ni: Roldan Castro)