Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Natenggang bagahe ng mga NAIA passenger isusubasta

0 212

Umaapela ang Interline Baggage Room (IBR) ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga pasaherong dumating na umabandona o nag-iwan ng kanilang check-in luggage sa customs conveyors o kaya sa overhead compartment ng eroplano na i-claim na bago ito ma-forfeit, ipasubasta o i-donate sa mga orphanage institutions.

Ayon kay Atty. Lourdes Mangaoang, Customs deputy collector for passenger services, ang IBR baggage storage ay puno na ng mga unaccompanied luggage at maaring ipasubasta na ang mga ito sa darating na araw.

Sinabi pa ni Mangaoang na ang karamihang sa mga naiwang luggage ay mga payong, assorted toys, baby strollers at mga maliit na bagay na umaabot sa isang taon sa pagkakalagak sa IBR.

Base sa guidelines of the Customs Modernazition and Tariff, binibigyan ng 15-araw ang pasaherong nakaiwan ng kanyang dala-dalahan at binibigyan ito ng panibagong 15-araw na extension para i-claim. (Otto Osorio)

Leave A Reply

Your email address will not be published.