Abante Tonite
Mabilis sa Balita

NatGeo namangha sa coral reefs ng ‘Pinas

0 143

Ang tunay na ganda ng karagatan ay hindi makikita sa ibabaw bagkus sa kailaliman nito.

Kamakailan lang ay nakatanggap ng papuri ang Pilipinas mula sa National Geographic Magazine para sa pagiging da best sa angking ganda ng coral reefs.

Tinampok ng magazine na ito ang makulay na ganda ng underwater biodiversity ng bansa sa issue nila ngayong buwan ng Hunyo 2022, gayunman binigyang-diin nila na nanganganib na ito. Ito ay isinulat ni Kennedy Warne at mga larawan na pitik ng lente ni David Doubilet at Jennifer Hayes.

“Coral reefs in the Philippines are some of the world’s most vibrant—but in peril. Much of the archipelago’s undersea splendor is protected, but some areas are being stressed by climate change and harmed by destructive fishing practices,” sabi ni Warne.

Dagdag pa rito, ang mga coral reefs ng Pilipinas ay itinuturing na pinakamayaman na parte ng Coral Triangle na matatagpuan sa Kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Mayroon itong humigit-kumulang 500 hanggang 600 na uri at 1,800 hanggang 2,000 uri ng mga isda. Ilan sa mga sikat na spot rito ay ang Tubbataha Reefs Natural Park at Apo Island Reef.

Sa kabila nito, sinabi nilang nahaharap ito sa malaking banta ng climate change at samu’t saring iligal na pangingisda. Binanggit din ang mga bagyong pumapasok sa bansa at ang patuloy na pagkakaroon ng coral bleaching na kung saan namumuti ang mga coral dahil sa pagtaas ng temperatura sa ilalim ng dagat.

Nagrekomenda rin ang NeoGeo ng dalawang paraan na maaaring gawin upang masolusyonan ang pagkasira ng mga ito. Una ay ang tuluyang pagpapatigil ng iligal napamamaraan ng pangingisda; pangalawa ay ang Community Management Model ng Filipino Biologist na si Angel Alcala na naglalayong protektahan ang mga marine area na ito. (Moises Caleon)

Leave A Reply

Your email address will not be published.