Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nathalie ayaw sa pompyang

0 45

NI: VINIA VIVAR

For the first time ay gumanap si Nathalie Hart ng papel na isang lesbian at mapapanood ito sa Maalaala Mo Kaya this Saturday, Feb. 27.

At dahil nga unang sabak niya sa nasabing papel, aminado si Nathalie na talagang nahirapan siya dahil hindi niya ma-feel ang pagiging lesbian.

“There are some takes there that it takes me 3 takes, because when I look in her eyes, I can’t feel the love. Na parang I can’t put myself into that shoes ” sey ni Nathalie nang makatsikahan namin kahapon.

Ang tinutukoy niyang “her” ay ang partner niya na si Jane Oineza.

“Pag nagda-dalawang take na ako, I really get serious na in my face na parang, I have to do this kasi nakakahiya with the direktor and with my co-actor,” sey niya.

Wala naman daw silang kissing scene ni Jane pero may mga intimate moments daw na halos mag-kiss na sila.

“Jane is a great actress, too. You know what? We said, ‘it’s our character, let’s play it, tapos na,’” kwento pa ni Nathalie.

Hindi rin keri ng aktres ang pompyang dahil hindi niya bet ang makipagrelasyon sa kapwa babae.

Anyway, mas gumanda pa ang aktres ngayong isa na siyang mom. Two years old na rin si Penelope, ang baby nila ng Indian ex-fiance niya. At dahil syempre sa kanyang anak kaya naman inspired siyang magtrabaho.

Bukod sa mga proyekto sa showbiz ay nagtayo na rin siya ng negosyo called Gayatree organics, a high quality, chemical-free and effective range of different organic and plant-based skin care needs for everyone.

“I love organic, pinag-aralan ko rin siya, it’s really my hobby, so for me, it was interesting for me na gumawa ako ng plant-based product, organic products, not only for adults, pwede rin siyang gamitin ng mga bata,” she said.

Magkakaroon na rin siya next week ng retail selling sa Rockwell. Inaayos na rin daw ang website nila para makabili rin sa online ang mga gustong mag-avail.

Leave A Reply

Your email address will not be published.