Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nathalie stress sa lalaki

0 181

NI: VINIA VIVAR

Kapansin-pansin na mas blooming, mas maganda at mas sexy ngayon si Nathalie Hart base na rin sa kanyang mga Instagram post. Kaya naman marami ang curious kung may nagpapasaya na ba ng kanyang puso.

Pero ayon kay Nathalie ay single pa rin siya at hindi naman ganu’n kadali to find someone since may anak na rin siya ngayon, ang super-cute na si Penelope na magta-tatlong taon na.

Matatandaang noong 2019, after she gave birth, ay kinumpirma ni Nathalie na hiwalay na sila ng ama ng kanyang anak. Since then ay loveless na ang aktres at wala pang nakikitang bagong mamahalin.

Sey nga ni Nathalie sa vlog ng kumare niyang si Erich Gonzales, “para sa akin kasi, what’s the point of dating kung wala namang ka-kwenta-kwenta.”

Basta ang requirement daw niya sa isang guy, kailangan ay mahal din at tanggap ang anak niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Natanong nga rin si Nathalie kung paano ba niya nami-maintain ang kanyang ganda, sey ng aktres, “less stress, less drama in life para wala kang masyadong iniisip, ganu’n.”

Ano ang nakakapag-cause ng kanyang stress?

“Love life,” sabay-tawa. “Eh wala kasi akong love life ngayon, so walang stress.”

Thankful naman siya na okay naman daw sila ng ama ng kanyang anak at nagbibigay naman ito ng support sa bata.

“I’m happy naman na ‘yung tatay ni Penny, we have a good relationship, so I’m lucky with that. Hindi man kami nag-end up, ang importante, ‘yung bata,” she said.

Leave A Reply

Your email address will not be published.