Abante Tonite Interactive

Nathalie babu sa Millennial Bomba Queen

2,914

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacioNgayong buntis na si Nathalie Hart, ang pagiging nanay na kaya ang magiging greatest­ role sa buhay niya? Four months pregnant na ang bagong nanay at sa mga larawang lumalabas, kitang-kita kung gaano siya kaligaya.

Hindi ko alam kung paano makakaapekto ito sa kasalukuyan niyang mga ginagawa. Walang dudang she is kissing her bold star image goodbye.

Paano na nga kaya ang Millennial Bomba Queen title niya ngayong in five months time, may sanggol na uuha at dedede sa kanya?

May mga best supporting actress nomination na ang babaeng tunay na pangalan ay Princess Tinkerbelle Snell, mas iigting pa kaya ang husay niya, ngayong siya ay natatanging ina na?

Congrats, Nathalie. A baby is always a blessing at nakakatuwa na proud na proud ka sa pagiging nanay mo.
***

Coco ‘wag bastusin

At ang totoong-totoo, mula mismo kay Bossing ng Bayan, si Vic Sotto, pasok sa kanilang pelikulang ‘Popo en Jack: The Pulisincredibles’, ang Philippine Sweetheart na si Maine Mendoza.

Hindi raw nahirapang umoo si Menggay sa pro­yekto at sabi nga ni Vic sa isang pahayag, “Maganda iyong role niya and hindi lang basta challenging. It’s her first time to do a role na ganito so ‘di kami nagdalawang salita sa kaniya, pumayag agad siya.”

Siguro naman, ang mga tagahanga ni Mendoza, ikatutuwa ang pangyaya­ring ito. Malaki ang chance na siya ang kapareha ni Coco Martin, Super upgrade ito para sa karera niya.

‘Wag naman sana nilang negahin ang pagkakataon­g ito para sa dalagang Bulakenya. Huwag din naman sana nilang bastusin si Coco sa pangyayaring ito at magsasalita ng mga hindi magaganda sa iba’t ibang social media site at mag-inarte na parang masamang-masama ang loob sa pagtatambalang ito.

Masama pa ba na si Mendoza, ang superstar na si Rodel Nacancieno pa ang makakapareha at magiging direktor? Choosy pa ba kayo? Panahon na para buksan ang pag-iisip sa mga positibong pagbabago.

Vic Sotto, Maine Mendoza at Coco Martin, panalong kombinasyon, hindi ba naman?
***

Ai-Ai ayaw pag-usapan si Kris

Sa mga dalahira, katkatera at malisyosa, huwag na sana niyong bigyang malisya pa ang hindi pagsagot ni Ms. Ai-Ai delas Alas sa mga tanong patungkol kay Kris Aquino.

Wala namang ma­­­sama du’n. E­very time na tinatanong siya tungkol sa Digital Empress, ang Philippine Comedy Concert Queen, graciosa naman ang hiling at lambing na huwag na siyang tanungin dahil nga kahit ano pang maging sagot niya, will be subject to misinterpretation.

Ayaw na ni Ms. Ai-Ai na madagdagan ang mga dahilan para magkasakitan pa sila ng mga damdamin. Gusto niyang manatili silang maging masaya sila sa kanya-kanyang mga buhay at hindi na dapat pang dagdagan ang animosity nila.

Imbes na intrigahin niyo ang pagtanggi niyang sagutin ang mga tanong kay Aquino, hindi ba dapat kayong matuwa na si Delas Alas eh ayos na sa katotohanan tungkol sa kanilang dalawa? Masaya na ang Comedy Queen sa buhay niya. Hangga’t maaari, gusto niya ang simpleng buhay lamang, ayaw na niya sa mga komplikado at masali­muot na sitwasyon.

Kung ibang babae ‘yan, papatol pa rin para mapag-usapan at palakihin pa ang apoy at gawin itong mas nakakapaso.
Dapat nang papurihan si Ms. Ai-Ai dahil alam na niya ang totoo.