Abante Tonite Interactive

Nathalie, Cristine nag-iisnaban

By
6,977

Matunog ang balitang may gap umano sina Cristine Reyes at Nathalie Hart. Magkasama sila sa pelikulang The Bitch Wedding (Abay Babes).

Hindi pa natatapos ang pelikula ay nagkakairingan na ang dalawa. Ayon sa isang reliable source, madalas na hindi sila nagpapansinan sa set ng pelikula.

“Nag-iisnaban sila. Alam mo ‘yung hindi naman galit sa isa’t isa na parang may something,” tsika ng aming source.

Nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa nang minsang ma-late ng datin­g si Natalie sa isang shooting nila. Mula noon hindi na sila nagpapansinan. Naging isyu rin daw ang holding room na hindi sila puwedeng magsama sa isang kuwarto.

Patalbugan sila sa pelikula at mukhang hindi rin sila paaawat kung hindi sila magkakaayos sa anumang parunggitan na meron sila ngayon. Palaban si Cristine pero hindi rin patatalo si Natalie lalo pa’t kilala siya na walang inaatrasan sa lahat ng bagay.