Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nathalie ‘di laspag

0 135

NI: NONIE NICASIO

Walang kupas ang kaseksihan ni Nathalie Hart.

Ito ang makikita sa Instagram post ng tisay na aktres. Animo hindi nanganak si Nathalie sa kanyang porma rito. Isang certified Hot Momma ang aktres na hindi pagsasawaang pagpiyestahan ng maraming barako ang kariktan. Hindi siya laspag beauty.

Larawan siya ng masayang babae na animo isang bulaklak na sagana sa dilig, kaya namumukadkad ang ganda. Of course ang inspirasyon niya at ang nagpapasaya sa kanya nang sobra ay ang 19 month old niyang baby.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Takaw-pansin ang malulusog na boobs ni Nathalie rito, idagdag pa ang kanyang sexy legs at balingkinitang katawan, equals makatulo-laway na alindog. Tunay na pampainit sa maraming boys ang hatid niya, saan mang anggulo silipin.

Mahihirapang magtimpi ang sinumang barako, kung ang alindog ng aktres ang tatambad sa kanilang harapan.

Animo siya isang chicharon o mani na masarap kutkutin at papakin, habang tumutoma ng beer. Si Nathalie ang tipo na hahanap-hanapin ng mga kalalakihan ang porma. Ibang klase kasi ang lakas ng kanyang sex appeal.

-30-

Leave A Reply

Your email address will not be published.