Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nathalie na-trauma sa relasyon

0 131

NI: VINIA VIVAR

Isa rin sa mga hot mommas natin sa showbiz ay si Nathalie Hart. Kahit nga may anak na siya ay napaka-banidosa pa rin niya at napapanatili ang kaseksihan.

Sa mga sexy photo na ibinabahagi ni Nathalie sa kanyang Instagram account, mas lalo pa siyang paganda nang paganda . Marami tuloy ang nagtatanong kung may bago na ba siyang pag-ibig ngayon matapos nilang maghiwalay ng Indian father ng kanyang anak.

Nang huli naming makapanayam si Nathalie nang mag-launch siya ng kanyang negosyo noong Pebrero, aniya ay loveless daw siya. Mukhang matatagalan pa bago siya magmahal ulit.

“If ever may magpapapansin okay lang. Pero for now, I am working, I just opened a business. I have a big responsibility now with my daughter. So I don’t think that’s possible for now. Baka matatag-tagal pa. Ayoko na muna talaga.

“Puwede siguro ang date pero yung (serious) relationship ayoko na muna. Na-trauma ako,” sabi ni Nathalie.

Ang focus daw niya ngayon ay nasa kanyang 2-year-daughter na si Penelope, ang kanyang career at ang negosyong binuksan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.