Abante Tonite Interactive

Nathalie payag gawing ‘tita’ ni James

By
507

tonite-pak-allan-dionesMay mga namba-bash kay Nathalie Hart dahil du’n sa recent guesting nila sa ‘GGV’ ng ‘Abay Babes’ co-star niyang si Roxanne Barcelo, na parang tumili sila kay James Reid nang ipakita ang pic nito sa isang segment ng show.

Mukha silang kinilig kay James, pero ang sabi ni Nathalie ay in-edit ‘yung interview at hindi ‘yun gano’n.

Tinanong din siya ni Vice Ganda kung may past ba sila ni James, so medyo nagtataka si Nat kung bakit hanggang ngayon ay nili-link pa rin siya sa binata.

“Kung kilig, my God, anong pakialam ko sa kanya? No offense, ha? Bakit ba nila nili-link nila sa akin ‘yung tao?

“Tumigil na sila! My God, ang laki-laki na ng tiyan ko. Gusto ba nila na pagmumurahin ko sila isa-isa? Kasi, pumapatol talaga ako, wala akong pakialam!” medyo natatawang bulalas ng 5 ½ months pregnant na si Nathalie na halatang iritada sa bashers.

Ani Nat, parehas sila ng barkada before ni James (na gaya niya ay half-Australian din) and there was a time na may lumabas na picture na parang iki-kiss siya nito sa cheek.

Naging big issue raw ‘yon dati, pero picture-picture lang daw ‘yon sa isang birthday na ginanap sa bahay nina James.

Ang tagal na raw nu’n at mga 21 o 22-anyos lang siya nu’ng time na ‘yon.

“My God, 26 years old na ako! I’m such a lola. Kalimutan n’yo na, my God!” bulalas ni Nat.

May mga karelasyon daw siya that time at never silang nag-date ni James. As in hindi naging sila, kaya mag-move on na raw ‘yung mga nang-iintriga.

“Ang dami pang naging babae ni James!” kaswal na sambit ni Nathalie na ikinaaliw namin.

Hindi raw sila nag-uusap nito dahil hindi naman niya ito katrabaho.
“Kung guwapo siya, hindi lang naman siya ang guwapo sa mundo, ah? Hindi ko maintindihan, bakit ba sila dead na dead? Ano bang gusto n’yo sa kanya?!

“I mean, he’s nice, mabait naman siya, guwapo siya. Pero so what kung guwapo siya? There are other things that you have to look for as well,” hirit pa ng prangkang si Nat.

In fairness ay handa raw siyang makatrabaho si James pagbalik niya rito after niyang manganak abroad. Kahit daw bukas na agad ay okey lang na maka-work niya ito.

Kuwela ‘yung dayalog ni Nat na kahit gawin siyang tita ni James dahil ang laki raw niya ngayon.

Sundot pa ni Nat, problemahin ng mga basher ang buhay nila at tigil-tigilan daw siya ng mga ito.

Kahit may mga namba-bash ay marami ring natutuwa kay Nathalie dahil wala itong filter kung magsalita at baklang-bakla interbyuhin.
Napansin din ng mga netizen na tila mas gumanda si Nat ngayong buntis ito.

Actually, sinabi namin ‘yon kay Nat na girl nga talaga ang baby niya dahil parang blooming siya ngayon.

Kaya kahit preggy ay lumaban si Nathalie sa ganda ng apat na co-stars niya sa ‘Abay Babes’ na sina Cristine Reyes, Meg Imperial, Roxanne Barcelo at Kylie Verzosa.

***

Angeline panlaban ang teleserye theme song

Gabi ng kababaihan ang concert at benefit dinner na ‘Limitless: Empowered Women, Empower Women’ sa Metrotent Convention Center sa Pasig nu’ng Friday night.

Bale ang ‘Limitless’ ay selebrasyon ng 12th anniversary ng Outbox Media Powerhouse Corporation na pag-aari ng misis ni Anthony Taberna na si Rossel Velasco-Taberna.

Tampok sa nasabing show ang all-female artists ng Cornerstone Entertainment na sina Angeline Quinto, Kyla, Radha, Liezel Garcia at Jayda Avanzado.

Panlaban siyempre ni Angeline ang kanyang teleserye theme songs medley, tapos ay may duet sila ng ‘I Know Him So Well’ ni Kyla.
Si Kyla ay hindi pa rin nawawala ang mga pa-whistle at pagbirit-birit.

Ang big girl na si Radha ay powerful pa rin ang vocals at bongga ang duet nila ni Liezel ng ‘When You Believe’.

Hindi rin pakakabog ang taas-taasang boses ng produkto ng ‘Pinoy Dream Academy’ na si Liezel na hanep din ang high-pitched whistling.
In fairness ay hindi nagpahuli ang pinakabata sa kanila, ang 16-anyos na si Jayda Avanzado na ang ganda ng boses at ang ga­ling mag-perform.

May sariling musical style si Jayda na malayo sa parents niyang sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

As usual ay may prod number ang Taberna kids, tapos ang panganay nina Ka Tunying at Rossel na si Zoey ay may duet with Jayda ng Disney song na ‘Reflection’ from ‘Mulan’.

Kabilang sa beneficiaries ng ‘Limitless’ ay ang SpED teachers ng Antipolo City na tatanggap ng U-shaped chairs mula sa Outbox Media para sa mahigit 250 diffe­rently-abled kids na tinuturuan ng mga ito.