Abante Tonite Interactive

National Artist kay Eddie pinu-push kung kailan patay na

396

Aster Amoyo

Ngayong namayapa na ang movie and TV icon na si Eddie Garcia ay saka naman isinusulong na gawin siyang National Artist.

Pero bakit hindi nila ito naisip nu’ng buhay pa ang legendary actor? Tiyak na magiging proud si Eddie sakaling iginawad ito sa kanya nu’ng nabubuhay pa siya.

Abante Hiring – IT dep

Bakit ang mga tao ay naiisip lamang ang kaha-lagahan ng isang namayapa kapag wala na ito? In the case of Eddie, paano pa niya ito maa-appreciate sakaling gawin siyang National Artist?

Samantala, hanggang ngayon ay mailap pa rin ang pagiging National Artist ng superstar na si Nora Aunor sa kabila ng pagsusulong ng iba’t ibang sektor. Hindi ito nakapasa sa panahon ni dating Noynoy Aquino, baka naman sakaling ito’y makalusot ngayong si Pres. Duterte na ang Pangulo.

Ang iba pang pangalan na puwedeng ihanay sa pagiging National Artist include Gloria Romero, Anita Linda, Joseph Estrada, Vilma Santos, Ramon Revilla, Sr. and even Susan Roces.
Sa part ni Eddie, ang tanong namin, why only now kung kelan wala na siya?

Kisses ‘di nagtatagal sa lalaki

Marami ang nagtataka kung bakit hindi nagtatagal ang pagkakaroon ng ka-love team ng ex-PBB housemate na si Kisses Delavin.

Unang nag-click ang tambalan nila ng Fil-Ita-lian ex-PBB housemate-turned actor na si Marco Gallo na nakatrabaho niya sa pelikulang “L­oving In Tandem” with Maymay Entrata at Edward Barber in 2017. Halos kalalabas pa lamang ng kanilang movie ay saka nagdeklara si Kisses na wala na ang tambalan nila ni Marco.

At kung kelan unti-unting umiinit at tinanggap ang bagong tambalan nila ni Donny Pangilinan na nakatrabaho niya sa pelikulang “Walwal” ay mu-ling nag-announce na wala na umano ang team-up nila na DonKiss. Bagay na ikinabigla ng marami lalong-lalo na ang kanilang mga fan.

Ano kaya ang inaayawan ni Kisses sa kanyang nakaka-love team? Personal kaya ang dahilan o trip niya lang magpabago-bago ng katambal?

Bakit hindi niya gayahin ang dating PBB Big Winner at kasamahan niya dati sa loob ng bahay ni Kuya na sina Maymay at Edward? Hanggang ngayon ay buo pa rin ang team-up.

Samantala, may bagong movie project na gagawin si Kisses sa bakuran ng Regal Films at ngayon pa lamang ay hinahanapan na siya ng bagong makakapareha. Si Jameson Blake na nga kaya ito?
Abangan!

Mga artistang nanganak kilalanin

Tuloy-tuloy ang baby boom sa taong ito dahil sa sunod-sunod na panganganak ng mga kilalang female celebrities, na sinimulan ng Kapuso actress na si LJ Reyes who gave birth last January sa first baby nila ng Kapuso actor na si Paolo Contis na si Summer Ayanna.

Sumunod dito ay ang dating Miss Universe 1st runner-up (1990) na si Miriam Quiambao sa first child nila ng second husband niyang si Ardy Roberto.

Pinangalanan nilang Elijah ang kanilang first born. Sa buwan din ng Pebrero nagsilang ng kanyang first baby ang original Sexbomb dancer-turned Kapuso actress na si Rochelle Pangilinan sa unang supling nila ng husband niyang aktor na si Arthur Solinap na si Shiloh.

It was also in February this year nang isilang ng ex-PBB housemate na si Say Alonzo ang kanyang second baby na si Austin sa husband niyang si Ryan Tordesillas. Actress-entrepreneur at ex-wife ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus gave birth to her fourth son na si Ethan, her 3rd sa present partner niyang si Jimmy Velasquez. Nakapagsilang na rin ang radio jockey, TV host-actress na si Andi Manzano ng second child nila ng husband niyang businessman na si GP Reyes na si Amelia. Ang kanilang panganay ay si Olivia.

At nitong Abril lamang ay isinilang ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang second baby nila ng kanyang husband na si Dingdong Dantes na si Baby Ziggy habang ang kanilang pa-nganay na anak na si Zia (Maria Letizia) ay magpu-four na sa buwan ng November.

Tatlo pang female celebrities ang nakatakdang magsilang any day soon, sina Georgina Wilson, Gwen Zamora at Andi Eigenmann.

Ang ipinagbubuntis ngayon ng model na si Georgina ay magiging second son nila ng British businessman husband niyang si Arthur Burnand. Ang kanilang eldest son na si Archie ay magti-three years old na in December. First baby naman ni Gwen ang kanyang dinadala ngayon courtesy of her fiancé, ang Australian-born Fil-Czech cager na si David Semerad. Second baby (another daughter) din ang nakatakdang isilang ni Andi sa kanyang surfing champ boyfriend (from Siargao) na si Philmar Alipayo habang 7 years old ang pa-nganay ni Andi na si Ellie sa kanyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito.