Abante Tonite
Mabilis sa Balita

National broadband project bubuhayin – Malacañang

0 122

Plano ng gobyerno na buhayin ang national broadband project na naging kontrobersyal sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa isyu ng korapsiyon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa pipeline na ng administrasyon ang proyekto para mapalakas ang broadband service sa bansa.

Aniy, batid ng administrasyong Duterte na hindi maganda ang impresyon sa NBN-ZTE deal noon kaya ibinigay sa pribadong sektor ang pagpapatakbo ng broadband sa bansa.

Pero sa pagkakataon aniyang ito ay sisiguraduhin ng gobyerno na hindi pagkakakitaan at magiging ugat ng korapsiyon ang nasabing proyekto.

“Nasa pileline na po iyang NBN na bubuhayin muli, pero sisiguraduhin ng Presidenteng walang tongpats iyan,” ani Roque.

Pero sinabi ng kalihim na nasa mga mambabatas ang bola kung papayagang buhayin ang NBN project dahil sila ang magtatakda at magbibigay ng go signal para magamit ito sa pagpapaganda ng serbisyo ng telekomunikasyon sa bansa. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.