Abante Tonite Interactive

National Campus Press Freedom Day tuwing Hulyo 25

0 143

Idineklara ng Mala­cañang ang Hulyo 25 kada taon bilang National Campus Press Freedom Day sa lahat ng mga paaralan sa bansa.

Nakapaloob ito sa Republic Act No. 11440 o National Campus Press Freedom Day Act na pinirmahan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte noong Agosto 28, 2019 pero kahapon lamang inilabas ng Palas­yo ang dokumento.

Nakasaad sa batas na inaatasan ang lahat ng educational institution na suportahan at tumulong sa paghahanda sa taunang programa at aktibidad na gagawin ng mga estudyante para sa National Campus Press Freedom Day.

Binigyang-diin sa bagong batas na bahagi ng polisiya na isulong, protektahan, at bantayan ang freedom of expression, speech at freedom of thhe press.

(­Aileen Taliping)