Abante Tonite
Mabilis sa Balita

National ID gagamitin sa pagbakuna

0 179

Plano ng administrasyong Duterte na gamitin ang national ID para sa isasagawang mass vaccination para sa COVID-19.

“We are also exploring how the national ID may assist the government in the efficient distribution of vaccines,” pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Acting Secretary Karl Kendrick Chua.

Naging malaking problema ang kawalan ng ID ng mga tao sa pamamahagi ng ayuda noong nag-lockdown dahil kailangang siguruhin ang pagkakakilanlan ng benepisyaryo at mapunta ito sa talagang mga nangangailangan.

Sabi ni Chua, aabot sa 10 milyon ang makakarehistro para sa national ID sa katapusan ng taon at maaaring umabot pa ito sa 70 milyon sa 2021. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.