Abante Tonite Interactive

National ID magagamit sa krisis – Gatchalian

581

Malaking tulong sa gobyerno ang implementasyon ng National Identification (ID) System sa Pilipinas para sa mga pandemic na maaaring makaapekto sa bansa sa hinaharap katulad ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

“Matagal nang naipasa ang Philippine Identification System Act sa bansa. Napapanahon na upang ito’y gamitin bilang tugon sa mga emergency situations tulad ng krisis na nararanasan natin ngayon,” sabi ng senador sa isang pahayag nito.

Ginawang halimbawa ng senador ang Taiwan at Singapore na ginagamit ang kanilang national ID system para matukoy ang mga taong may travel history sa ibang bansa at nahawaan ng COVID-19.

Sa pamamagitan aniya ng naturang sistema, mas mabilis maisagawa ang contact tracing sa nabanggit ng mga bansa.

“The Philippines may learn from the experiences of Singapore and Taiwan on how these countries harnessed their national IDs in containing the outbreak that is sweeping across the globe,” sabi ni Gatchalian.

Kaya’t kinakailangan na aniyang ipatupad ang national ID system para mas maging handa tayo sa hinaharap.

Layunin ng naturang batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte

noong Agosto 2018 na bumuo ng isang national ID para sa lahat ng Pilipino

na mag-i-interconnect sa lahat ng inisyung ID ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

“Matagal nang naipasa ang Philippine Identification System Act sa bansa. Napapanahon na upang ito’y gamitin bilang tugon sa mga emergency situations tulad ng krisis na nararanasan natin ngayon,” ani Gatchalian. (Dindo Matining)

Tonite – Wendys Inhouse Ad