Abante Tonite
Mabilis sa Balita

National ID pinasok ng mga scammer

0 86

Pinag-iingat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko laban sa mga scammer na nagpapakilalang empleyado nila na nagsasagawa ng registration para sa Philippine Identification System (PhilSys) o national ID.

Nag-isyu ng abiso sa publiko ang PSA nitong Sabado dahil may mga natatanggap umano silang ulat na ilang indibidwal ang nagpapakilalang miyembro ng PhilSys team at nagsasagawa ng iligal na proseso ng pagpapagawa ng national ID kapalit ng bayad.

Ayon sa PSA, isang community group sa Facebook account na ‘Philippine National ID (News & Information)’ at isang indibiduwal na gumagamit ng account na `Calvin Processings’ ang nangongolekta umano ng bayad para sa national ID registration.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nilinaw ng PSA na libre ang registration sa PhilSys at lahat ng impormasyong makukuha ay kinakailangang maipasok sa PSA server base sa Data Privacy Act of 2021.

Payo ng PSA, i-report ng publiko sa mga awtoridad kapag may nalaman na mga iligal na aktibidad kaugnay sa national ID.

Sinilip ng Abante TONITE ang FB account na sinabi ng PSA at may naka-post namang babala rito ukol sa scammer.

“Mayroon pong miyembro na kasali sa grupo na ito na humihingi ng bayad para sa pagpoproseso ng PhilSys ID. Ito po ay hindi totoo dahil libre po ang pagproseso nito at kailangan lamang ng patunay sa inyong totoong identification. Nablock na po ang tao na ito. Paki-report po ang mga nakikita niyong indibwidal na nagaalok ng ganitong pagproproseso na may bayad na hinihingi at atin pong tatanggalin para hindi madamay ang grupo na ito na nais lamang makatanggap ng ulat at balita. Salamat po,” post ng Pro Pinoy. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.