Abante Tonite Interactive

National media ‘wag na ‘wag, Manila-based media puwede!

TURNING POINT

By
1,353

Nasa tatlong dekada na ako ngayon sa print media o bilang print journalist na na­ging sports editor, assistant sports editor, sports reporter, sports columnist, sports correspondent at sports contributor.

Halos nalibot ko na ang Pilipinas sa iba’t ibang mga coverage sa sports.

Nakapag-1991 Manila Southeast Asian Games, 2005 Philippine SEA Games, at mga out-of-town sa pagkober din ng Marlboro Tour, Philippine Basketball Association games, PBA All-Star Weekend, National Student Basketball Championships, Phi­lippine Airlines Golf Interclub, Palarong Pambansa, Batang Pinoy, Children’s Games, Philippine Sports Commission-Pacquiao Cup, Mindanao Friendship Games, National PRISAA, SCUAA.

Abante Hiring – IT dep

Mga palarong internasyunal na itinaguyod ng bansa at ginanap sa loob at labas ng Metro Manila tulad ng Asian Mountainbike Champioships, Philippine Open Golf, World Chess Olympiad­, World Taekwondo Championships, Manila Interzonal Chess, World Women’s Chess Champions, Carlsberg Chess Classic, Asian Table Tennis Championships, World Amateur Golf Team Championships, National Open ng iba’t ibang national sports associations at iba pa.

Unang apat na taon ko pa lang bilang peryodista, napasabak na agad ako sa mga National SCUAA, PRISAA, Palarong Pambansa, PSC National Championships at kung ano-ano pang multi-sports meet. Kaya marami akong nakasalamuhang mga kabaro (mamamahayag) mula sa mga rehiyon at lokal sa kapuluan ng bansa.

Noon at ngayon, may mga kasama kaming ang tawag sa sarili nila’y national media na nagiging kontrobersiyal sa regional at local media. Kaya ako noong maski nasa kolehiyo pa lang pero corres na sa isang diyaryo at nadayo sa mga malalayong lugar, hindi ko ginagamit ang terminong national media.

Sanay na akong makipag-usap sa regional at local mediamen na lagi kong sinasabi Manila-based media na kinatutuwa naman nila. Pero marami ang nagagalit kapag naririnig nila ang katagang national media.

Ilang beses ko na ring naibahagi ito sa aking mga kasamahang mamahayag sa Maynila kaya kapag kasama sila sa mga coverage walang problema. Pero may ilan pa ring makukulit.

Nandito ako nga­yon sa Cebu City at sa iba pang lugar ng Cebu Province para sa PSC 9th Philippine National Games. Naitagubilin ko ito sa ilan kong kasama kaya naman ‘alang problema ang mga magkakasama ritong nasa Fourth Estate.

Sana hanggang sa matapos ang palarong kilala ring National Olympics sa Biyernes, Mayo 25, walang ­aberya dahil lang po sa term na yan.