Abante Tonite
Mabilis sa Balita

National Sports Summit itutuloy

0 37

Sisimulan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang serye ng konsultasyon sa mga stakeholder sa darating na Lunes, Nobyembre 22 para sa huling phase ng National Sports Summit (NSS) 2021.

Nakatuon naman si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez, ang apat na commissioner at iba pang mga opisyal ng ahensya sa diskusyon ng mga resolusyon mula sa NSS phase 1. Nagkumpirma na rin ang mga kinatawan ng iba’t-ibang government agencies at private sectors ng paglahok sa consultation sessions.

SM SuperKidsDay Banner Ad

”We are now on the final lap of our NSS, it is our duty to ensure that the future of Philippine Sports continues to be successful so the next generation may inherit the victories and lessons we had. The take-aways we have from the NSS may serve as guiding light for the future,” pahayag Sabado ni Ramirez.

Sa tagumpay ang NSS phase 1 Sports Conversations ngayong taon, pagtutuunan ng government sports agency ang mga resolusyon at draft na mga aksiyon para sa mga sports leader, lawmaker, at stakeholder upang magpatuloy ang pag-angat ng PH Sports. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.