Abante Tonite Interactive

Nationwide mall sale ikakasa ng DOT

323

Pinaplano na ng Department of Tourism (DOT) ang isang malawakang mall sale sa bansa sa susunod na taon.

Sa ginanap na forum sa Maynila, kinumpirma ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang `Philippine Fun Sale’ ay idaraos sa Marso, 2020.
Ayon kay Puyat, ang `Philippine Fun Sale’ ay isang nationwide mall sale at hindi limitado lamang sa Metro Manila.

Nalaman na nakipagsanib-puwersa ang DOT sa iba’t ibang malalaking mall sa bansa para maisakatuparan ang aktibidad na ito.

Ikakasa ang proyekto sa layunin na mahikayat ang mga dayuhang turista na bisitahin ang Pilipinas.

Sinabi ni Puyat na maging ang mga lokal na turista ay matutuwa sa pakulo ng DOT.

Ayon kay Puyat, inihahanda pa nila ang mga kailangan para sa nationwide mall sale, kabilang na kung ilang porysento ang ipatutupad na sale sa mga produkto.

Pinaplantsa rin ang isyu sa trapik kapag isinagawa ang nationwide mall sale. (Juliet de Loza-Cudia)