Abante Tonite Interactive

Nationwide stagfest ang Digmaan — Ong

0 108

Tinataya ang 60 sultada sa National Digmaan 11-Stag Derby at sa 100 sa Pitmasters Live na bibitawan mamaya sa fully air-conditioned Las Piñas Coliseum.

Uumpisahan ang pasabong na ito ng Philippine Federation of Gamefowl Breeders (PFGB) at ng UMCGBA group sa pamamagitan ng isang 3-stag elims.
Inihayag Martes ni PFGB pre­sident Wilson Ong na ang Digmaan ay isang nationwide stagfest na may tumataginting na P70 milyon.

Ayos na ang 12 kiosks ng LPC para sa mga sabungero na gustong makibahagi sa Pitmasters Live side event.

Ihahatid naman ng Cavite Las Pinas Gamefowl Breeders Association (CLPGBA) ang 3-stag elims ng National Bakbakan 12-Stag Derby sa Sabado, Nobyembre 9.
May 52 sultada ang CLPGBA sa unang Bakbakan elims nito sa Gentri Coliseum.
Makakabatid ng iba pang mga detalye sa 873 1040, 0929 1800 960, 0939 1376 455, 0915 3582 076 kina Grace 1, Grace 2 at Julius. (Enjel Manato)