Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nat’l archer pasalamat sa opisyal

0 252

Isa si 19-year national archery women’s compound team member Abbigail ‘Abby’ Pineda Tindugan na malaki ang pinagpapasalamat sa naabot niya sa Olympic sport dahil sa tulong ng matagal na opisyal at yumao ng si Ligaya P. Manalang.

Kabilang sa naabot ng 38-anyos na tubong Tondo, Manila ang back-to-back Southeast Asian Games women’s compound team champion (2007 Nakhon Ratchasima at 2005 Manila, bronze medalist sa Asian Grand Prix (2008 Thailand), Ramon Lim Cup national champion (2004 Manila), career-best world ranking No. 32 noong 2008, at iba pa.

“Marami akong ma-miss sa kanya. Iyong mahabang Christmas celebration na pinapatawag kami sa bahay niya sa Balut, pagbigay niya sa akin ng baon kapag may laban sa abroad, at ang magagandang pangaral na magsikap kami sa training kapag talo sa mga kompetisyon,” ani Tindugan, 38, na kapitbahay ang namatay noong Hulyo 10 na dating National Archery Association of the Philippines (NAAP) secretary general.

Taong 1995 nagsimulang pumalaso si Abby sa Manila Disct Meet na umabot sa Palarong Pambansa bilang recurve archer hanggang 2004 bago lumipat sa compound dahil kay Manalang na kaibigan ang pamilya niya bago siya pinaturuan kay dating national coach Henry Manalang. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.