Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nat’l archers gusto nang mag-training

0 97

Hiniling ng World Archery-Philippines (WAP) na payagan nang makabalik sa ensayo ang mga national archer.

Inihayag ng WAP na itinatayo na ang isang training bubble sa Negros Oriental upang doon mag-training ang mga hawkeye na lalahok sa huling Olympic Qualifying Tournament sa susunod na taon.

SM food to go Banner Ad

Tatalima ang samahan sa Inter-Agency Tasf Force (IATF) for Emerging Infectious Disease health protocol sa itatayong bubble sa Dumaguete at hahawakan ni coach Clint Sayo.

“We thought Dumaguete is the best venue to put up that bubble because most of our national players live there,” sambit nitongLinggo ni WAP secretary general Rosendo Sombrio.

Ang mga outstanding performer ang ikukunsiderang ipadala sa OQT sa Paris sa Hunyo 2021. Ito na lang ang tanging qualifier sa archery matapos makansela ang ilan dahil sa Covid-19. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.