Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nat’l boxer may COVID-19 – Picson

0 294

Isang boksingerong miyembro ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang nagpositibo sa Coronavirus disease 2019, base sa isinagawang rapid test Baguio City-based national boxing team.

Inamin kahapon ni ABAP Secretary General Edgar Genaro ‘Ed’ Picson, na napag-alaman nila sa mga doktor na positibo ang resulta ng isang boxer samantalang nagnegatibo naman na ang lahat sa health test sa mga miyembro ng training pool

“The doctors advise na ulitin matapos na nagpositive sa rapid test. Nagtataka kasi mismo ang mga kasama niya sa Baguio na kung sino pa ang hindi lumalabas at madalas sa loob ng bahay siya pa ang nagpositibo sa test. So uulitin pa pero doon na sa swab test,” sabi ni Picson sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum webcast.

Hinirit ng opisyal sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation (SMC), Amelie Hotel, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor), at Smart, na pansamantalang sinekreto muna ni ABAP president Ricky Vargas ang pagkakilanlan sa bosingero dahil na rin sa sa privacy law at maprotektahan ito. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.