Abante Tonite Interactive

Nat’l skateboarding team naghahanda sa SEA Games

By
0 133

Puspusan na ang paghahanda ng Philippine skateboarding team sa ilalim ng Go For Gold program para sa gaganaping regional tryouts na isasabak sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa parating na Nob.-Dis. 11.

Inanunsyo ni Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines, Inc. president Monty Mendigoria ang gagawing tryouts para sa mga Pinoy skater ng Luzon at Visayas.

Gaganapin sa Marso 16-17 sa Iba, Zambales at sa Abril 6-7 sa Cebu City ang paghahanap sa natatanging skaters ng bansa.

Inaasahang dadalo si 2018 Palembang Asia Games skateboarding gold medalist Margielyn Didal sa Cebu leg ng tryouts.
Ayon kahapon kay Go For Gold godfather Jeremy Go, “We feel that Margie and the skateboarding team will become our bright lights in the 2020 Tokyo Olympics, and hopefully they can bring home our first Olympic gold medal.”
“We will look for the best skaters in the regionals,’’ hirit ­naman ni Mendigoria.

Dagdag pa nito, “The top three participants from the regionals will get the chance to prove their worth in the national SEA Games qualifying championship.’’

Hangad din ng ahensiya na maging daan ito sa paghahanda ng mga Pinoy skater para sa 2020 Olympics sa Japan. ­