Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Natorete sa module, Titser nagbigti

0 300

Nagpatiwakal ang isang lalaking public school teacher matapos umanong mahirapan sa paghahanda ng learning modules sa kanyang mga estudyante sa bayan ng Bangar, La Union noong Biyernes ng umaga, ayon sa Bangar Police Station (BPS).

Sa ulat ng BPS, ang biktimang nasa 30-anyos ay natagpuan ng kanyang kapatid na nakabitin gamit ang lubid sa loob ng kanyang silid alas-7:30 ng umaga.

Sa imbestigasyon ng BPS, bago ang insidente ay nakipag-video call pa ang guro sa kanyang misis at nasambit na nahihirapan na ito sa paghahanda ng mga learning modules sa kanyang mga estudyante.

Ayon sa pulisya base na rin pahayag ng mga kamag-anak ng biktima, panay umano ang reklamo ng titser

dahil hindi pare-pareho ang nailagay sa module na binigay ng Department of Education (DepEd).

Ayon sa BPS, wala namang nakikitang foul play sa pagpapakamatay ng biktima. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.