Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Natsuging 9 sa Calabarzon raid, pinalagan ng mga senador

0 366

Nanawagan ang mga senador para sa malalalimang imbestigasyon sa serye ng pagsalakay sa mga tanggapan at tahanan ng mga aktibista sa Calabarzon nito linggo na nagresulta sa pagkamatay ng siyam na indibidwal.

Sa isang statement, kinondena ni Senadora Risa Hontiveros ang pagpaslang sa siyam na aktibista sa Calabarzon na aniya’y isang mataas na antas nang hindi pagrespeto sa karapatang pantao.

“I am calling for a thorough investigation by the Commission on Human Rights (CHR),” pahayag ni Hontiveros.

“We will also consider filing a bill penalizing red tagging as a separate and distinct crime because those fighting to protect our basic rights should not be silenced,” dagadag nito.

Kinondena din ni Senadora Leila de Lima ang walang habas na pag-atake sa karapatang pantao sa kasalukuyang administrasyong Duterte.

“Kailangang matigil na ang walang habas na pag-atake sa karapatang pantao,” ani De Lima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa panig naman ni Senadora Grace Poe, sinabi nitong dapat sumusunod sa due process ang lahat ng police operation alinsunod sa Konstitusyon.

“It is the mandate of law enforcers to ensure that these guarantees are observed and not just dismiss nonchalantly cries of possible human rights violations,” sambit ni Poe.

Sinang-ayunan din ni Senador Panfilo Lacson ang pahayag ni Poe sa pagsabing dapat may malinaw na panuntunan sa pagsasagawa ng anti-insurgency operation.

“It goes without saying that the only legal justification to kill an adversary is in defense of oneself or another person,” ani Lacson.

Iginiit naman ni Senador Kiko Pangilinan na dapat gamitin na ng PNP ang P289 milyong halaga ng body cameras para maiwasan ang ganoong uri ng pagpaslang sa mga aktibsita sa Calabarzon.

(Dindo Matining)

PNP: Lehitimo ang Calabarzon raid! – [sub head]

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na wala umanong iregularidad sa mga ginawang operasyon laban sa umano’y komunistang rebelde nitong Linggo sa Region 4-A (Calabarzon).

Ayon kay PNP chief General Debold Sinas, lehitimo ang kanilang mga operasyon dahil covered ang mga ito ng search warrants at 28 search warrants aniya sa illegal possession of firearms ang inimplimenta sa nasabing operasyon. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.