Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Natukso: Aktor, aktres iniwan ang mga dyowa

0 306

Kung walang kasiguruhan ang kabuhayan ng mga artista dahil walang pangako ng bukas ay ganu’n din ang kanilang emosyon.

Kahit may karelasyon ang lalaking personalidad, kapag madalas silang magkasama ng kapareha niyang artistang babae, ay nagkakaroon ng milagro.

Kuwento ng aming source na nagtatrabaho sa produksiyon, “Kahit nu’ng hindi pa sila nagla-lock-in, nangyayari na talaga ang mga ganu’ng scenario. Location ang shooting o taping, sila-sila lang ang magkakasama, so may nabubuo talagang relasyon.

“Meron ngang male personality na lumilipat sa room ng girlkung ano ang nangyayari du’n, di ba? Very tempting ang trabaho ng mga artista,” umpisang kuwento ng aming impormante.

Naalala pa ng aming source ang kuwento tungkol sa dalawang artistang pareho nang pamilyado ngayon. Matagal silang nag-shooting sa isang probinsiyang nasa Norte.

“At pareho rin silang may mga karelasyon na, ha? Maganda at sexy ang girl, maskulado naman at guwapo ang guy. Nagkatinginan lang sila, nagharutan, kinagabihan, may nangyari na sa kanila!

“Ganu’n kadali, ganu’n lang kabilis ang mga pangyayari. Kapag nagte-take sila, e, parang walang nangyayari, pero sa gabi, lumilipat ang guy sa hotel room ng girl.

“At hindi na sila mga bagets, ha? Pero natutukso pa rin sila. Paano pa kapag mga bagets ang mga artistang nagkakagustuhan?” patunay ng aming source.

Fast forward ang aming source. Tungkol naman sa medyo bata-bata pang mga artista ang laman ng kanyang kuwento.

Nakipaghiwalay sa kani-kanilang karelasyon ang mga artistang sangkot para mapagbigyan ang personal nilang kaligayahan.

“Pareho silang taken na. Matagal na rin ang kanilang relasyon. Lock-in ang work nila, walang uwian. Kung ang mga veteran stars nga, e, natutukso, sila pa kayang mga bata pa?

“Ano ang nangyari? Nakipagkalas ang guy sa girlfriend niya. Ang girl naman, e, gumawa ng paraan para mag-break sila ng boyfriend niya!

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ganu’n hindi kasigurado ang emotion ng mga personalities, may karelasyon na sila, pero natutukso pa rin! Ngayon, ang magkarelasyon na, e, ang male personality at ang girl. Pasensiya na lang ang kinalasan nilang karelasyon!” pa-blind item pa talagang pagtatapos ng aming source.

Jodi tumanda sa kapayatan

Sensitibo ang mga artistang babae tungkol sa kanilang edad at timbang. Kapag ‘yun na ang itinatanong sa kanila ay parang krimen na ang dating nu’n.

Nasasaktan sila, napapahiya, gumagawa agad sila ng paraan para magamot ang pintas na napapansin sa kanilang katawan. Sobra ang kanilang pagda-diet, gutom na gutom na pero tiis-ganda lang sila, para lang makapagbawas ng timbang.

Malaking timbang kasi ang nadadagdag sa kanila kapag humaharap na sa mga camera. Halos nadodoble ang kanilang weight.

Pero hindi rin pala magandang tingnan kapag sobra-sobra na ang kapayatan ng artista. Para na siyang maysakit. Parang kailangan na niyang makipagkita sa kanyang doktor.

Napapanood namin ang full trailer ng “The Broken Marriage Vows” na pinagbibidahan ni Jodi Sta. Maria. Nagulantang kami sa kanyang itsura. Napakapayat ng aktres kaya parang tumanda siya nang husto.

Ang ganda-ganda pa naman ni Jodi, pero naapektuhan ‘yun ng sobra niyang kapayatan, lalo na sa mga eksenang galit na galit siya.

Gumuguhit ang mga ugat sa kanyang leeg, kapag nagsisigaw si Jodi ay para siyang tisika, nakakaawa rin palang tingnan ang ganu’n kapayat na artista lalo na sa kanyang mga extreme close-up na anggulo.

Sana’y makapagdagdag ng timbang si Jodi Sta. Maria. Kailangan niya ‘yun ngayong nagkakaedad na siya. Maganda siya, mahusay siyang umarte, pero kapag ang itsura na niya ang binigyan ng pansin ay mapapailing na lang ang nakatanaw sa kanya.

Pagpahingahin muna dapat ng ABS-CBN si Jodi, kakambal ng kanyang kapayatan ang halatadong sobrang pagod na, kailangan muna niyang paglaanan ng panahon ang kanyang sarili.

Leave A Reply

Your email address will not be published.