Abante Tonite Interactive

Natulog katabi ng may-asawang bebot, abogado sinuspende

3,777

Sa kabila nang kawalan ng matibay na ebidensya na nagpapatunay na may relasyon o naganap na sexual encounter, sinuspende ng Supreme Court si Abogado Berardo Faundo Jr. dahil sa pag-imbita sa isang may-asawang babae na kasama niyang natulog sa iisang kama sa kanyang bahay.

Sa 10-pahinang desisyon, ginawaran ng isang buwang suspension ng SC 1st Division si Faundo dahil sa nasabing eskandalo na isang paglabag sa Rule 7.03 ng Code of Professional Responsibility.

Si Faundo ay inakusahan ng nama­yapa nang si Oliver Fabugais na umano’y nakikipagrelasyon sa kanyang asawang si Annaliza Lizel Fabugais.

Binigyan-bigat ng korte ang naging testimonya ng anak na babae ng mag-asawang Fabugais na ang kanyang ina na si Annaliza at Faundo ay magkasiping sa isang kama noong October 2006 sa Ipil, Zamboanga Sibugay .

Kasama umano niya ang kanyang nanay at dalawang kaibigan na natulog sa bahay ng suspek.

Ayon sa SC, bagama’t hindi napatunayan na may immoral at illicit relation ang dalawa, hindi matatawaran na may nilabag sa batas si Faundo bilang isang abogado, ayon kay Associate Justice Mariano del Castillo.

“Lawyers must moreover also be seen or appear to live a life in accordance with the highest moral standards of the community,” nakasaad pa sa SC decision. (Reportorial Team)