Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Natulog sa Parke, Kinalabit ng Kapre

0 132

Mga ka-Misteryo, naranasan niyo na bang makatulog sa parke nang may manggising sayo na … kapre?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Napagod sa kanyang pamamasada ng taksi si Mang Danny ng Cainta at inabot siya ng pagod sa gawing Maynila hanggang sa nagdesisyon siyang magpahinga sa isang parke.

Dito na naranasan ni Mang Danny na makakita ng kakaibang nilalang, isang kapre.

Misteryo: “Mang Danny, Paano mo nasabi na yung kapre ang nangalabit sayo habang natutulog ka?”

Mang Danny: “Mabaho yung amoy niya parang tabako at nagulat ako sa kalabit, mabigat ang kamay, nauga ako sa pagkakahiga sa upuan ko.”

Misteryo: “So Tama ba? Nakita mo siya? Paano? Ano hitsura?”

Mang Danny: “Nagising nga ako di ba kaya bumangon ako. Doon ko siya nakita sa harap ng taksi ko nakatayo. Hindi ko masyado makita hitsura madilim kasi. Nakita ko yung hawak niyang tabako, malaki, may apoy.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Misteryo: “Anong sumunod na nangyari? Nilapitan ka ba? Natakot ka?”

Mang Danny: “Hindi ako natakot kasi nakakita na ako ng tulad niya sa probinsiya namin. Ang alam ko kasi hindi naman sila nananakit. Katuwaan lang pag tinakot ka.”

Misteryo: “Kinausap mo ba siya? Anong ginawa niya?”

Mang Danny: “Pinakiramdaman ko muna nakatingin lang siya. Umalis na siya, naglakad palayo. Nawala na sa dilim.”

Misteryo: “Baka naman gusto ka niyang gisingin at matagal ka ng tulog.”

Mang Danny: “Oo nga kasi alas-3 na ng umaga yun kailangan ko nang ibalik sa operator ang taksi.”

Ang karanasan ni Mang Danny ay maaari ding mangyari sa iba lalu na ang mga nilalang ay nandyan lang sa paligid natin. Hindi naman sila dapat katakutan bagkus ay unawain natin kung bakit may ginawa sila tulad ng karanasan ni Mang Danny.

Para sa inyong mga kuwentong karanasan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.#

Leave A Reply

Your email address will not be published.