Abante Tonite Interactive

‘Natural resources’ ni Antoinette hinangaan

0 752

Muling nagpasilip ng kanyang alindog ang dating teen star at ngayo’y environmentalist na si Antoinette Taus.

Hindi na malaman ng kanyang mga supporter at fan kung kailan huling nagsuot ng bathing suit ang dating member ng 90’s youth-oriented TV program na “TGIS”.

Mas nag-concentrate kasi ang dalaga sa pamumulot ng mga basura sa tabing dagat. Lalo na sa may parte ng Manila Bay, at sa mga kanal sa paligid ng Tondo.

Kailan lang muling nagpasilip ng kanyang kaseksihan si Antoinette.

In fairness, may ibubuga pa ang alindog niya at may magandang pigura.

Nakilalang child star si Antoinette hanggang sa sumikat bilang isang teen star. Ex niya si Dingdong Dantes.

Nawala sa showbiz at nag-migrate sa Amerika noong kasikatan niya. Sa kanyang pagbabalik, nagkaroon siya ng adbokasya. Nangangalaga ng kalinisan ng kalikasan.

Total beauty meron si Antoinette. Hindi lang dahil sa kanyang physical appearance kundi dahil na rin sa kanyang pagmamalasakit na ma-preserve ang natural resources sa mundo. (Rey Pumaloy)