Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naturalization ni Brownlee umuusad

0 94

Ibinahagi ni House Deputy Speaker Mikee Romero na gumagalaw ang proseso sa naturalization ni Ginebra import Justin Brownlee upang makapaglaro sa Gilas Pilipinas.

Sa pagbisita sa Philippine Sportswriters Association, bagama’t tiniyak ni Romero na gumagalaw ang estado ng naturalization ng basketbolista, kailangan umano makumpleto ng 6-foot-6 forward ang kinakailangang mga requirements nito.

Sa kasalukuyan, wala sa bansa si Brownlee na naglalaro sa Al-Sharjah basketball team sa United Arab Emirates.

“Part ng mga requirements na kailangan is i-submit ‘yung certified true copy ng birth certificate, ‘yung mga oath niya, hindi pa niya nakukumpleto’yun kasi wala siya dito sa bansa,” litanya ni Romero.

Samantala, bukod kay Brownlee, isa rin sa target ma-naturalize para maging Filipino citizen si Ateneo big man Angelo Kouame. (JAToralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.