Abante Tonite Interactive

‘Nature-inspired adventure tourism’ binuksan sa Batangas

517

Isang bago, puno ng adventure, at nature-inspired tree top experience ang ngayo’y maaring pasyalan ng mga turista at bakasyunista at isama sa kanilang summer travel goals, at ito ay ang century-old Batulao forest na matatagpuan sa Nasugbu, Batangas.

Nakatayo sa 170-hectare Royale Hotel Resort and Spa sa Batulao village, ang Tree Top Adventure ay naisip at isinagawa ng hotel resort management bilang dagdag atraksyon upang palakasin ang industriya ng turismo sa bansa.
Inilarawan ni Atty. Christine Base, president ng Chateau Royale Hotel Resort and Spa ang atraksyon bilang pinakauna sa Batangas, at maihahalintulad sa fun, excitement, thrill at adventure.

Pinangunahan nina Chateau Royale Hotel Resort and Spa General Manager Ferdie Pulia, Chateau Royale President lawyer Christine Base, at Marie Abolencia, Director of Sales and Marketing, ang opisyal na paglulunsad ng Tree Top Adventure park.

“You don’t have to go far like Baguio City or Subic to enjoy other thrills such as zipline and other fun activities because it is now right here,” pahayag ni Base na tinuran din ang lapit ng destinasyon kung saan 2.5 oras lamang ang layo mula sa Metro Manila.

Inaasahan na ang forest trail site ay maging “the newest-to-go-place” ng mga pamilya, magkakaibigan, turista, at kahit ng mga mahilig sa nature, zipline, at adventure treks sa murang halaga.

Matatagpuan kalapit ng campsite na kilala bilang “Camp Sawi”, para mga nag-iisa at sawi, ang Tree Top Adventure forest park ay nag-aalok sa trekkers at trailblazers ng zipline courses sa paligid ng centuries-old trees at nature trip na may panoramic view ng Batangas highlands.

Ayon sa mga adventure park guide, ang elevated zipline course ay ipinagmamalaki bilang isa sa mga pinaka-advance safety systems sa buong mundo dahil sa Smart Safe Belay (SSB) kits ng Bornack mula sa Germany, na nag-ooffer ng holistic concepts ng rope protection sa loob ng halos 50 taon.

Kalakip ng pinakabagong tree top experience bilang parte ng 170-hectare destination, ipinahayag ni Abolencia na ang Chateau Royale Hotel Resort and Spa ang inaasahan bilang pinakamalaking integrated resort sa Luzon.

Para sa mga mahilig sa magagandang tanawin at outdoors, ang resort ay naging paboritong puntahan para sa rock climbing, rainforest trekking, orchidarium, aviary, biking, horseback riding, zilpine, go-karting, kalesa rides, wave pool at team building facilities.

Ang resort ay nag-aalok din ng room accommodation gaya ng cabin type, French-inspired “Gulod” townhouse, Lakeboat para sa weekday or weekend staycation at day-time travels. (Dolly Cabreza)