Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Natutulog na misis binoga sa ulo

0 68

Grabeng nasugatan ang isang 60-anyos na ba­bae matapos siyang pasukin sa bahay at barilin habang natutulog sa kanyang kuwarto sa Cuen­ca, Batangas, Miyerkoles ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Beatrice Velasco, residente ng Brgy. Llavac.

Batay sa report ng Cuenca Police, bandang alas-4:00 kahapon ng madaling-araw nang puwersahang sirain ng suspek ang pinto sa kusina ng bahay ng biktima at pumasok.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Binaril sa kuwarto ang natutulog pang si Velasco na tinamaan sa ulo at kamay.

Mabilis ding tumakas ang salarin matapos ang pamamaril.

Isinugod naman sa Martin Marasigan District Hospital sa Cuenca ang biktima subalit inilipat din kaagad sa Batangas Medical Center sa Batan­gas City dahil sa maselang kalagayan.

Ayon sa pulisya, may person of interest na sila at matagal nang alitan ang tinitingnang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.