Abante Tonite Interactive

Natuwa sa panalo

101

Successful ang karera ng MetroTurf nitong nakaraang Biyernes dahil sa nakalululang carry-over, dibidendo, sales for the day, at panibagong carry-over.

Pumalo sa P33-million ang nai-record na benta sa siyam na karerang pinaglabanan sa Friday-night racing tampok ang malaking carryover sa winner-take-all na P4.66-million mula sa nakaraang weekend ­racing sa MetroTurf Racing Complex.

Dahil sa isang dehadong nakalusot na si Superal, natuwa ang mga nanalo ng mahigit P1-million na naiuwi nila bawat isa.

Pero sa pangalawang set ng WTA, nahirapan ang mga karerista at hindi nila ito na-perfect dahil kasama rin si Superal sa napasama sa pilian ng mahirap manalo.

Kaya P364,039 na naman ang carry-over sa susunod na WTA na paglalabanan sa MetroTurf. Marami ang naka-6 points na ang kanilang consolation prize ay umabot lang sa P842.80.

Ang P33,093,046 na naiposte na ito marahil ang pinakamala­king grose sa isang ­Friday night racing ngayong taon at sa 9 na karerang pinaglabanan.

Ang mas maganda pa nito ay ang ngiti sa labi ng mga nagsipanalong owners, trainers at ­hinete dahil sa ­napakagandang grose sa dalawang araw na karera. Umabot sa P160,037.29 ang first prize para sa 17 kaba­yong nagsipanalo noong Huwebes at Biyernes.

Ito ay nangahulugan ng netong P136,111.72 na maiuuwi ng isang owner para sa kanyang winning connections.