Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Naubusan ng ulam, kuya dinedo sa bugbog

0 165

PATAY ang isang lalaki matapos siyang bugbugin ng nakakabatang kapatid dahil umano sa pinagtalunang ulam sa Barangay 12, Sta. Filomena II, Bacarra, Ilocos Norte noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Bacarra Police Station ang biktima na si Rodentor Guillermo, 43, at ang suspek na kapatid nitong si Lou Guillermo, 27.

Sa inisyal na report, sinabi ni Bacarra Police Station (BPS) deputy chief-of-police P/Lt. Melvin Trinidad, umuwi na umano ang biktima sa kanilang bahay galing sa isang inuman kasama ang kanyang mga kaibigan.

SM food to go Banner Ad

Habang nagpapahinga ang biktima, dumating naman ang suspek (Lou) na lango sa alak at naghanap ng ulam. Dahil naubusan, agad nitong kinompronta si Rodentor.

Dito na nag-away ang magkapatid. Pinagbubugbog ni Lou ang biktima hanggang sa mawalan ito ng malay.

Isinugod sa Bacarra Municipal Health ang biktima ngunit dead-on-arrival na ito dahil sa mga tinamong sugat sa katawan at ulo. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.