Abante Tonite Interactive

Naudlot sa ‘Darna’: Bakasyon ang kailangan ko — Nadine

678

May mga nag-expect na si Nadine Lustre ang magiging bida sa bagong “Darna” movie kaya maraming nagulat nu’ng i-announce ang pa­ngalan ni Jane de Leon bilang kapalit ni Liza Soberano sa iconic role ng Pinay superhero.

Sa mediacon ng dance movie nila ni Sam Concepcion na “Indak” ay hiningan ng reaksyon dito si Nadine.

“Well, I mean, it’s nice na ‘yung imahe ni Darna, ako ‘yung nakikita nila. But, I mean, in the very beginning naman po, like what I said, I was never expecting and I didn’t audition din naman po.

“So, okey lang naman. I mean, I’m really happy na si Jane ‘yung nakuha kasi, I’ve seen her a couple of times before (with) common friends. So, it’s nice na siya na ‘yung bagong superhero nating lahat,” nakangiting sagot ni Nadine.

Pabirong hirit ng kapareha niyang si Sam, hindi raw kasi kinaya ng sked ni Nadine dahil busy ito.

Natawa si Nadz at ang sabi, “Bakasyon, kailangan ko ng bakasyon, eh! Ha! Ha! Ha!”

Wala raw kaso kay Nadine na hindi ang nobyo niyang si James Reid ang kapareha niya sa “Indak”.

Aniya, hindi naman la­ging sila ang magkasama ni James at okey rin daw na wala si James at may sarili siyang projects.

Si Sam ay hindi lang bestfriend ni James kundi idol pa nito pagdating sa pagkanta at pagsayaw. Very vocal daw si James doon.

At dahil close din sila ni Sam ay sanay na raw sila sa isa’t isa, so mas kumportable ang pagtatrabaho nila at hindi naging awkward.

Actually, excited daw si James sa “Indak.” Ang medyo nakakatawa lang daw ay ‘yung may love angle sa movie ang girlfriend at bestfriend nito. Sey ni Sam, parang incest ang da­ting nu’n.

Napasabak sa matinding sayawan sina Nadz at Sam sa “Indak” na nag-training talaga sila with the G-Force Dan­cers para sa kanilang dance routines.

Nakaka-relate si Nadine sa karakter niyang si Jen na isang island girl na hindi natakot abutin ang kanyang pangarap.

Si Sam naman ay si Vin na member ng prestigious dance group na IndakPinas na kumumbinsi kay Jen na maging part ng team at mag-compete sa World Dance Championship sa South Korea.

Samantala, excited na rin daw si Nadz sa 2019 MMFF movie nila ni Aga Muhlach na “Miracle in Cell #7.” Ina­ayos pa raw ang mga sked nila, pero nae-excite siya dahil legend daw at icon ng industriya si Aga.

Hindi raw napanood ni Nadz ‘yung original Korean movie, pero narinig niyang maiksi lang ‘yung role niya rito.

Okey lang daw sa kanya basta maganda at memorable ‘yung material at saka nag-i-standout ‘yung karakter niya.

Sa August 7 ang showing in cinemas nationwide ng dance movie nina Nadine at Sam na “Indak” sa direskyon ni Paul Basinillo.

Jimboy naniniwalang may ‘love’ sina Vice-Ion

Happy raw si Hashtag Jimboy Martin sa love life ni Vice Ganda. Kung saan daw masaya si Vice ay doon din sila dahil Mamita raw ito ng grupo nilang Hashtags.

Kaibigan daw nila ang rumored boyfriend ni Vice na si Ion Perez. Nakaka-basketball daw nila ito at sinasama nila sa mga lakad nila.

Sa isyung pera lang daw ang habol ni Ion kay Vice, ang sabi ni Jimboy ay hindi naman lahat ay ganu’n ang habol dahil meron ding may love talaga.
So, naniniwala siyang may love ‘yung kina Vice at Ion?

“Oo, naniniwala ako. At saka matalino si Ate Vice, alam niya ‘yan kung niloloko na siya o hindi,” pakli ng “PBB: 737” grand winner.
Wala raw problema si Jimboy sa ganu’ng klase ng relasyon dahil suportado niya raw ang LGBT.

Hindi pa raw niya naranasan ang gano’n, pero if ever man may magmahal sa kanyang bading ay hahayaan lang daw niya at bibigyan niya ng chance.
Kaya rin ba niyang mahalin ang bading na ‘yon kung sakali?
“Oo naman. Kaso, mas preferred ko talaga ang babae,” nakangiting sambit ni Hashtag Jimboy na nakatsika namin by the beach sa San Vicente, Palawan.

Paiinitin ng mga bida ng “The Better Wo­man” ang hapon ng mga Cebuano ngayong araw na ito.

Nasa South Town Centre sa Talisay, Cebu sina Andrea Torres at Derek Ramsay mamayang 4:00 PM.

Break muna sa kanilang taping sina Andrea at Derek para makita at mapasa­lamatan ang Kapuso viewers sa Queen City of the South.
(Allan Diones)