Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Nauuso ang mga blind item

0 35

Dati, sa showbiz lang natin nababasa ang mga blind item tungkol sa artistang may ganito, aktres na nabuntis at kung anu-ano pa. Sa politics naman, uso rin ang blind item lalo pa’t maraming naglipanang ‘Marites’ sa Kamara, Senado, Palasyo at maging sa mga local government unit.

Ngayon, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na mismo ang nagbigay ng blind item tungkol sa presidential aspirant na gumagamit umano ng cocaine. Isa-isang nag-deny tuloy ang mga kandidato sa pagka-pangulo. Mabigat ang naging pahayag ng Pangulo kaya naobliga tuloy ang Philippine National Police (PNP) na mag-imbestiga.

Sa Kamara naman, may blind item din si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel tungkol sa ilang senador na ginagamit daw ang isyu ng Malampaya buyout para sa kanilang reeleksyon sa darating na halalan.

“We would urge our senators – especially those seeking to extend their terms in office in 2022, and who are eager to draw attention to themselves – to spare Shell from their publicity stunts,” ani Pimentel sa inisyung statement kamakailan.

Hindi na raw nasosorpresa ang mambabatas sa ingay na nilikha ng senatorial candidates na gusto lang malagay ang kanilang sarili sa limelight lalo pa’t nalalapit na ang halalan.

“If we look at the race for the 12 Senate seats, the fight is really for the last six seats. The candidates who are ranked No. 7 to No. 15 in the surveys are the ones under pressure to target everything under the sun for them to stand out,” ayon pa sa pahayag ni Pimentel.

SM food to go Banner Ad

Sino ba ang tinutumbok ng blind item na ito? Kung susuriin natin ang huling survey ng Social Weather Station (SWS), ang top six ay sina Raffy Tulfo, Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano, Loren Legarda, Migz Zubiri at Jojo Binay. Sa top 6, si Zubiri lang ang reelectionist, habang tatlo naman dito ay dating senador.

Sa number 7-12, nandiyan sina Mark Villar, Risa Hontiveros, Jinggoy Estrada, Robin Padilla, Noli de Castro at Joel Villanueva. Sina Hontiveros at Villanueva lamang ang reeleksyunista rito.

Ang pang-13 hanggang 15 puwesto na nanganganib matalo kung ngayon gagawin ang halalan, ay sina JV Ejercito, Dick Gordon at Sherwin Gatchalian. Sina Gordon at Gatchalian ay kapwa reeleksyunista.

Kahit walang binabanggit na pangalan, tingin ni Gatchalian ay siya ang tinutumbok ng blind item. “Sana pinangalanan na lang ako,” ayon sa senador sa interview ng ANC kamakailan.

Kung may epekto sa mga kandidato ang blind item, malalaman lang natin ‘yan pagdating ng halalan. Matatalino ang mga botante at alam nila kung sino-sino ang karapat-dapat ibotong presidente, bise presidente, senador, hanggang sa pinakamababang puwesto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.