Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Navarro sinahog sa Gilas

0 50

Inihabol si William Raniel ‘Will’ Navarro ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) para kukunin sa special round ng Online 36th Philippine Basketball Associatioon (PBA) Draft 2021 sa March 14.

“It was important for us to get the commitment of talented players to join the pool. William Navarro initially begged off from joining but his stint inside the Gilas Pilipinas training bubble has convinced him that this would be the best direction for his development as a basketball player.”

Dating naglaro ang 24 na taong-gulang at 6-6 ang taas na center sa Ateneo Blue Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), at San Beda Red Lions sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Makakasama niya sa Gilas training pool para sa 19th International Basketball Federation (Fiba) World Cup 2023 sa Pinas, Japan atIndonesia ang mga ang nilagay sa Gilas Special Draft na sia Jordan Heading, Tzaddy Rangel at Jaydee Tungcab.

Isang Fil-Greek na tinuturong Talisay, Batangas ang kanyang ugat, isinilang si Navarro sa Greece ng mga magulang na Pinoy at Pinay. Naglaro siya junior team ng Greece’s pro basketball squad Panathinaikos at pagkatapos ng high school nagtungo sa ‘Pinas noong 2014.

Pinasalamatan din ng SBP ang PBA sa pangunguna nina Commissioner Willie Marcial at chairman Victorico Vargas ng TNT sa pagpaparaya sa apat na basketbolista. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.