Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Navarro sokpa sa Draft

0 100

Kanselado ng COVID-19 ang Season 83 ng UAAP, nag-desisyon si Ateneo center William Navarro na sumubok na sa 36th PBA Rookie Draft 2021.

Nagsumite ng application si Navarro, 23, para sa virtual draft sa March 14.

Nasa Inspire Sports Academy sa Calamba si Navarro, kasama sa bubble training ng Gilas Pilipinas.

Si Gilas project director Tab Baldwin ang coach ni Navarro sa Blue Eagles.

Kasama rin si Navarro sa Gilas squad na sumabak sa second window ng 2021 FIBA Asian Cup qualifiers sa Bahrain noong November.

Sa Athens, Greece lumaki si Navarro bago umuwi ng bansa at napasok sa Ateneo.(Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.