Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Navotas 2 linggo ila-lockdown

0 394

Simula bukas Hulyo 16 hanggang Hulyo 29 isasailalim ang buong Navotas City sa lockdown, para mapigil ang pagkalat ng coronavirus, ayon kay Mayor Toby Tiangco.

Mula umano nang lumuwag ang community quarantine ay biglang lumobo ang bilang ng mga COVID-19 positive sa lungsod na umabot na sa 981 na kumpirmadong kaso. Dahil dito, puno na ang mga community isolation facilities kaya’t kinailangan nang magpadala ng mga pasyente sa We Heal As One Centers dahil maging ilang mga ospital sa Metro Manila ay umabot na rin sa full capacity.

Ang mga residente sa bawat barangay ay may nakatakdang araw lamang para lumabas ng bahay at mamalengke o mamili ng groceries, gamot at iba pang pangangailangan. Tanging mga may hawak ng home quarantine pass lamang ang pwedeng lumabas at dapat sila rin ay may suot na mask na natatakpan ang ilong at bibig. Exempted sa lockdown ang mga frontliner at essential worker. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.