Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Navotas Fish Port isasara

0 310

Pahinga muna ang mga biyahero sa paghango ng isda, matapos ihayag ng pamunuan ng Navotas Fish Port Complex (NFPC) na isara ito ng isang araw.

Ayon sa NFPC, sarado sila sa Agosto 1, Sabado, simula alas-una ng hapon hanggang Agosto 2, ala-una ng hapon. Pansamantalang isasarado ang Market Hills 1-5 upang bigyan daan ang isasagawang paglilinis at disinfection sa lugar.

Giit ng NFPC, bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng safety health protocol gaya ng mandatory na pagsusuot ng mask at social distancing sa loob at labas ng pantalan, nais din nilang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga parukyano. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.