Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Navotas magpapatupad ng cemetery pass

0 85

Nagtakda ang Navotas local government ng mga panuntunan sa mga gugunita sa Undas at maglalabas ng pass para sa mga maagang dadalaw sa mga pampubliko at pribadong sementeryo na pansamantala namang isasara simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 4.

Ang nasabing hakbang ay upang maiwasang dumagsa at magsiksikan ang mga bibisita sa mga puntod, at hindi malabag ang physical distancing at malantad ang mga mamamayan sa COVID-19. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, dapat na gunitain ang Undas bago o pagkatapos ng nabanggit na mga petsa at kumuha ng cemetery pass tatlong araw bago bumisita sa puntod sa pamamagitan ng TEXT JRT na nakalagay ang pangalan, address, edad, petsa, at araw ng pagbisita sa sementeryo.

Samantala, hindi naman pinapayagang lumabas ang mga wala pang 21 taong gulang o mga senior citizen para pumunta sa sementeryo alinsunod sa polisiya ng IATF para sa kanilang kaligtasan. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.