Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Navotas mamumudmod ng cash aid bukas

0 278

Ipamimigay na ng Lokal na Pamahalaan ng Navotas ang tulong-pinansyal para sa mga kuwalipikadong residente na apektado sa 14-araw na enhanced community quarantine (ECQ) sa lungsod.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, magsisimula ang distribusyon ng ayuda mula alas-8:00 bukas ng umaga, Agosto 11, hanggang alas-5:00 ng hapon sa mga itatalagang payout venue.

Hindi padadaanin sa financial services ang pagbibigay ng ayuda, bagkus ay face-to-face ito katulad ng ginawa noong nakalipas na Abril 2021, para aniya matiyak na hindi dadagsa ang tao sa mga remittance center kagaya ng nangyari noong 2020.

“Ayaw nga po ng mga cashier sa face-to-face kasi natatakot dahil sa Delta variant. Napakiusapan ko na lang kasi mas systematic ang distribution kapag sa payroll idinaan,” wika ng alkalde.

Base sa ipinalabas na guidelines ng DSWD, nasa P1,000 hanggang P4,000 ang posibleng matanggap na cash aid ng kada pamilya sa Metro Manila para sa August ECQ. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.