Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Navotas may dagdag na quarantine facility

0 272

Pormal nang binuksan ang ikatlong community isolation facility sa Navotas City para sa mga COVID-19 patient.

Mayroon umano itong 200 bed capacity, WiFi, at airconditioned para maging komportable ang mga pasyente.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, may mga CCTV din sa lugar upang ma-monitor galaw ng mga pasyente at malimitahan ang physical visit.

Ang pasilidad ay gawa sa 40 foot container van na proyekto ng pamahalaang lokal at ng Department of Public Works and Highway. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.